Thursday, May 7, 2020

BAKIT KA SINGLE?

"Kasi nasa harapan ko siya, pero diko binigyan ng pagkakataon. Pinalampas ko."


Masakit pala na umaasa kang mag-i-istay ang feelings nya para sayo after all those years pero hindi pala ganun yon. Yong nag-expect ka na aantayin ka nya no matter how long it takes for you to learn to love him, kasi sabi nya, handa siyang maghintay kahit gaano pa katagal yan. But. . . 


Yong nag-e-effort syang tulungan ka sa lahat ng bagay kahit di naman nya forte, kahit di niya kaya wag ka lang masyadong mahirapan. Yong sasaluhin ang pagkakamali mo kahit di naman nya talaga kasalanan, dahil ayaw ka lang niyang nakikitang nasasaktan kasi what hurts you hurts him the most. Yong i-ko-comfort ka everytime you feel down in the dumps and always look after you when you feel blue around the gills at ibibili ka ng paborito mong pagkain dahil yon ang isa mong comfort just so you will feel better. Yong alam nya halos lahat sa iyo, paborito mong pasyalan, paborito mong tugtugin pag ika'y nalulungkot, lahat ng paborito mo.  Na ika'y tuwang-tuwa pag tag-ulan kasi gustong-gusto mong naglalakad sa ulan ng naka-paa, kuha niya kiliti mo. Napapatawa ka nya at napapangiti araw-araw.


Ayoko siyang ikumpara sa nakaraan ko kasi magkaiba sila ng pagkatao. Oo, aaminin ko my latest EX is more handsome pero pareho silang mabait, mapagmahal at maalaga. I like him too. Wala na akong mahihiling pa, pero di pa ako handang tanggapin na mahalin sya ngayon. Pero darating ang panahon na o-OO din ako sa kanya at tatanggapin ko ang inaalay niyang pag-ibig. Konting-konti na lang. 


Pero I was wrong, noong handa akong umo-O sa kanya saka naman sya nagsabi na hindi pwede. Akala ko binibiro niya lang ako pero hindi, it's true, he fell out of love kasi sa tinagal-tagal ng panahon di ko sinuklian ang kanyang pag-ibig. Sinabi ko na, "akala ko ba hihintayin mo ako, no matter how long it takes?" pero ang sagot nya "That was before. Now, it changed. It's different. I gave you all my time and love but I got nothing in return. I don't have anyone right now and I still care so much about you but I'm sorry, I hope you will find someone who will make you even happier and will take care of you more than I did. Thank you for coming to my life. Paalam!"


Totoo nga yong kasabihan na, "Only when you lost someone that you'll realize their worth." And regret comes after.

People get tired. Waiting is a virtue, YES, but not in this kind of situation. If you like him, give him a chance. If you don't, just let him go. It will just hurt him more. Don't prolong the agony.